Pananatiling Malusog: Mga Gabay para sa mga May Sapat na Gulang ukol sa Pangangalagang Pangkalusugan upang Makaiwas sa Pagkakasakit
Ang pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit ay isang mahalagang bahagi ng malusog na pamamaraan ng buhay ng mga taong mayroon man o walang kapansanan. Maaaring partikular na maging mas mahalaga ang pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit para sa mga indibidwal na mayroong kapansanan sa pagdevelop. Ang mga indibidwal na may kapansanan sa pagdevelop ay maaaring humarap sa mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng mga kundisyong pangkalusugang kaugnay ng kanilang kapansanan. Kadalasan, ang mga kundisyong ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng tamang pangangalaga at mga iskrining na pangkalusugan. Halimbawa, ang mga indibidwal na may limitadong paggalaw ay may mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng mga pressure sore, ngunit sa pamamagitan ng mga tamang iskrining kaugnay ng pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit, maaaring matuklasan ang mga maagang yugto ng pagkakaroon ng mga pressure sore at magamot ang mga ito bago tuluyang maging malalang isyung pangkalusugan ang mga ito.
Bilang isang propesyonal na tagapaghatid ng direktang suporta, maaari kang magkaroon ng mahalagang papel na matiyak na ang mga indibidwal na iyong sinusuportahan ay regular na nakakatanggap ng mataas na kalidad ng pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit.
Mga Pagpapa-check-up Kaugnay ng Pangangalagang Pangkalusugang upang Makaiwas sa Pagkakasakit
Mahalaga para sa mga indibidwal na iyong sinusuportahan ang regular na pagbisita sa kanilang doktor na nagbibigay ng pangunahing pangangalaga. Nagpaplano lamang ang mga tao na kumunsulta sa kanilang tagapaghatid ng pangangalagang pangkalusugan kung sila ay may sakit o pagkapinsala sa katawan, ngunit mahalaga rin na bumisita sa doktor paminsan-minsan kahit mabuti ang pakiramdam - para magpa-check-up kaugnay ng pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit.
Sa kabuuan, ang mga indibidwal na may kapansanan sa pagdevelop ay kinakailangang bumisita sa kanilang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan isang beses kada taon upang makapagpa-check-up kaugnay ng pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit. Bilang isang propesyonal na tagapaghatid ng direktang suporta, maaari mong matulungan ang mga indibidwal na iyong sinusuportahan na magsaayos at makapunta sa mahalagang pagpapa-check-up na ito sa tamang panahon.
Sa isang pagpapa-check-up kaugnay ng pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit, susuriin ng doktor ang indibidwal na iyong sinusuportahan mula ulo hanggang paa at magsasagawa ang doktor ng mga pagsusuri upang matiyak na maayos ang pangkalahatang kalusugan ng indibidwal. Maglalaan din ang doktor ng panahon upang talakayin ang anumang mga katanungan o bagay-bagay na maaaring ikinababahala mo, o ng mga indibidwal na iyong sinusuportahan, ukol sa kanilang kalusugan.
Kung sasamahan mo ang mga indibidwal na iyong sinusuportahan sa pagbisita sa doktor, maaari kang makatulong sa pagpapakonsulta sa pamamagitan ng:
- Pagtulong na ipaliwanag sa indibidwal kung ano ang ginagawa ng doktor
- Pagpapaalala sa indibidwal na itanong ang mga nais niyang itanong sa kaniyang tagapaghatid ng pangangalagang pangkalusugan
- Pagtatala ng anumang rekomendasyon o direksyon na ibibigay ng doktor
Kung sa kabuuan ay maayos ang kalusugan ng indibidwal, maaaring suriin muli ng doktor ang indibidwal sa susunod na mga taon. Sakaling may matuklasan sa pagsusuri ang doktor na mga problemang pangkalusugan, gagawa siya ng isang plano ng paggagamit at makikipagtulungan siya sa iyo at sa indibidwal upang matulungan ang indibidwal na mapabuti ang kaniyang kalusugan.
Mgs Iskrining na Pangkalusugan
Ang uri ng mga pagsusuring iskrining na gagawin kaugnay ng pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit ay magdedepende sa edad ng indibidwal at sa kasaysayan ng iba't-ibang kundisyong pangkalusugan sa kaniyang pamilya. Halimbawa, ang mga indibidwal na nasa mga edad ng bente o trenta ay hindi mangangailangan ng taunang iskrining para sa pandinig at paningin, samantala, kakailanganin naman ito ng mga indibidwal na may edad higit sa singkwenta. Karamihan naman ng mga kababaihan ay hindi mangangailangan ng mammogram bilang bahagi ng kanilang pagpapa-check-up hangga't hindi sila tumutungtong sa edad na kwarenta. Ngunit, ang mga indibidwal na may ina o kapatid na babae na kasalukuyang mayroon o nagkaroon ng kanser sa suso ay maaaring magsimulang mangailangan ng mga iskrining sa mas maagang edad.
Hikayatin ang indibidwal na iyong sinusuportahan na maging matapat sa kaniyang mga tagapaghatid ng pangangalagang pangkalusugan ukol sa kaniyang kalusugan, at ukol sa kasaysayan ng anumang kundisyong pangkalusugan sa kaniyang pamilya. Matutulungan nito ang kaniyang doktor o nurse na magsagawa ng mga iskrining na maaaring makatukoy sa mga posibleng isyung pangkalusugan bago lumala ang mga ito.
Mga Gabay sa mga Iskrining na Pangkalusugan
Ipinapakita ng table sa ibaba ang ilan sa mga pangunahing gabay ukol sa mga iskrining na pangkalusugan. Mahalagang tandaan na ang ilang partikular na indibidwal (base sa kasaysayan ng kanilang pamilya, kapansanan, o partikular na hinaing ukol sa kalusugan) ay maaaring mangailangan ng mas maaga o mas madalas na iskrining kumpara sa nakasaad sa table.
Pamamaraan |
Iskrining para sa. |
Gabay |
Pagsukat ng Taas at Timbang |
Labis na Timbang o Obesity |
Taun-taon |
Klinikal na Pagsusuri sa Suso |
Kanser sa Suso |
Para sa mga babae - simula edad 20, kada 1 hanggang 2 taon |
Mammogram |
Kanser sa Suso |
Para sa mga babae - simula edad 40, kada 1 hanggang 2 taon |
Pap Smear |
Kanser sa Cervix |
Para sa mga babae - simula maging aktibo sa sex ang isang babae o simula sa edad na 21, alin man sa dalawa ang mauna, kada 1 hanggang 3 taon |
PSA (Iskrining ng Dugo para sa Kanser sa Prostate) |
Kanser sa Prostate |
Para sa mga lalaki - simula edad 50, taun-taon |
FOBT (Pagsusuri ng Dugo sa Dumi) |
Kanser sa Kolon |
Simula edad 50, kada 5 taon |
Colonoscopy |
Kanser sa Kolon |
Simula edad 50, kada 10 taon |
Iskrining para sa STD |
Mga Sexually Transmitted Disease (lalo na ang chlamydia at gonorrhea) |
Para sa mga aktibo sa sex - tauang iskrining para sa chlamydia at gonorrhea |
Presyon ng Dugo |
Hypertension |
Taun-taon |
Pagsusuri sa Cholesterol |
Mataas na Antas ng Cholesterol |
Para sa mga lalaki - simula sa edad 35, kada 5 taon
Para sa mga babae - simula sa edad 45, kada 5 taon |
Pagsusuri ng Glucose sa Dugo |
Type II na Dyabetis |
Kada 5 taon hanggang sa edad 45, kada 3 taon simula sa edad 45 |
Pagsusuri ng Density ng Buto |
Osteoporosis |
Para sa mga babae - isang beses sa edad 55 at taun-taon simula edad 65 |
Iskrining para sa Paningin at Pandinig |
Kawalan ng Paningin at Pandinig |
Simula edad 50, taun-taon |
Mga Sangguni: DDS DSP Training Manual, Year 2, Session 4; Massachusetts Department of Mental Retardation, Health Screening Recommendations; The Safety Net Newsletter (Spring 2006)
Tandaan, ang pagpapa-check-up kaugnay ng pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit ay ang tamang pagkakataon para sa iyo at sa mga indibidwal na sinusuportahan mo upang makapagtanong o makapaghatid ng mga ikinababahala ninyo ukol sa kanilang kalusugan. Tiyaking magtanong hanggang maintindihan ang sinasabi ng doktor. Sa pamamagitan ng pag-intindi sa mga direksyon ng doktor, maaari mong masuportahan ang mga indibidwal sa pagpapabuti ng kanilang pangkalahatang kalusugan.
Para sa pagpapaliwanag ukol sa pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit at ukol sa mga gabay na maaari mong magamit upang mabigyang edukasyon ang mga indibidwal na iyong sinusuportahan, tingnan ang: LINK SA DDS SAFETY NET FEATURE POWERPOINT UKOL SA MGA GABAY SA PANGANGALAGANG PANGKALUSUGAN UPANG MAKAIWAS SA PAGKAKASAKIT
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit, tingnan ang sangguning ito:
- The Massachusetts Department of Mental Retardation's Health Screening Recommendations Wall Chart - http://www.mass.gov/Eeohhs2/docs/dmr/health_screening_wallchart.pdf
Tampok na Artikulo
|