Teksto lamang ng palabas

Slide 1

Pag-unawa sa mga Sexually Transmitted na Sakit

Slide 2

Ang sexually transmitted na sakit ay karamdaman na pwede mong nakuha sa pakikipag-seks.
  • Madalas na tawaging STDs ang mga sexually transmitted na sakit.
  • Makukuha mo ang mga sakit na ito sa pakikipag-seks sa taong may STD.
  • May maraming iba't-ibang tipo ng STD na may iba't-ibang senyales at sintomas, pero lahat ng STD ay naipapasa sa mga tao sa pakikipagseks.
Slide 3

Sinuman ay pwedeng magka-sexually transmitted na sakit.
  • Naipapasa ang STDs mula sa mga tao na may sekswal na kontak gaya ng:
    • Habang nakikipag-seks
    • Habang may ibang malapit na sekswal na aktibidad, gaya ng seks sa bunganga
  • Kung ikaw ay nakikipag-seks o may ibang sekswal na kontak sa isang tao na may STD, pwede kang magkaroon din ng STD.
Slide 4

May ibang mga tao na mas madaling magkaroon ng ganitong sakit.
  • Mas madali kang magkaroon ng STD kung:
    • Nakikipag-seks ka sa mga marami at iba't-ibang kapareha
    • Nakikipag-seks ka na di gumagamit ng kondom
  • Mababawasan ang tsansa na magka-STD ka sa pag-unawa ano ito at matutunan ang mga paraan na panatilihing ligtas ang iyong sarili!
Slide 5

Mga indibidwal na may debelopmental na disabilidad ay may sekswal na damdamin din sa iba.
  • Kung di ito naiintindihan, pwedeng dahil sa:
    • Ilang doktor ay pwedeng mas bihirang makipag-usap tungkol sa ligtas na pakikipag-seks sa mga taong may debelopmental na disabilidad
    • Ilang doktor ay pwedeng mas bihirang iksaminin para sa STD ang mga taong may debelopmental na disabilidad
  • Ito ay pwedeng ilagay ka sa mas malaking peligro na makadebelop ng STD o magka-STD na hindi magagamot ng maayos.
Slide 6

Pwede kang makipag-usap sa iyong doktor o nars ukol sa iyong sekswal na damdamin.
  • Mga taong may debelopmental na disabilidad ay pwedeng magkaroon ng sekswal na damdamin tulad ng iba rin!
  • Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay sekswal na aktibo o kung ikaw ay nag-iisip na makipag-seks sa unang pagkakataon.
    • Ito ang magsasabi sa iyong doktor na dapat siyang makipag-usap sa iyo tungkol sa mga paraan upang manatiling ligtas habang nakikipag-seks at iksaminin ka para sa STDs ng regular.
Slide 7

Kung tingin mo may STD ka, mahalagang makipag-usap sa iyong doktor at kumuha ng maayos na paggamot.
  • Karamihan sa STDs ay malulunasan sa tamang paggagamot!
  • Kung may STD ka na hindi nagamot ng maayos, pwede kang:
    • Ma-ikalat ang sakit sa mga tao na may sekswal na kontak ka
    • Magka-impeksyon sa ibang parte ng iyong katawan
    • Maging ang mamatay
Slide 8

Sa kababaihan, ang di-nagamot na STDs ay pwedeng maging uri ng impeksyon na tinatawag na pelvic inflammatory disease.
  • Pelvic inflammatory disease ay impeksyon sa matris ng babae, fallopian tubes, o obaryo.
    • Ito ang mga parte sa katawan ng babae na nakatutulong na mabuntis at magka-anak.
  • Di nagamot na STD tulad ng Chlamydia o gonorrhea ay madalas pwedeng maging pelvic inflammatory disease.
Slide 9

Pelvic inflammatory disease ay pwedeng maging dahilan ng pagkabaog at nagpapatuloy na pananakit.
  • Kung may pelvic inflammatory disease na hindi nagamot agad:
    • Maaari kang magkaroon ng patuloy na pananakit sa balakang
    • Pwedeng di ka mabuntis o magka-anak
  • Sa pag-alam sa mga sintomas ng STDs at pakikipagkita sa iyong doktor kaagad kung ikaw ay nakararanas ng mga sintomas na ito, maiiwasan mo ang pelvic inflammatory disease sa iyong katawan!
Slide 10

Bawat STD ay may iba't-ibang senyales at sintomas.
  • Ilang STDs ay naka-aapekto sa iyong sekswal na organo ( tulad ng ari ng babae o ari ng lalaki).
  • Iba pang STDs ay pwedeng maka-apekto sa iyong buong katawan.
  • Ilang STD ay walang sintomas.
  • Ang listahan ng impormasyong ito ay may iba't-ibang STD kasama ang kanilang sintomas at kung ano ang pwedeng mangyari kung di ka magpagamot.
Slide 11

Kung mayroon ka ng anuman sa mga sintomas na ito, sabihin sa iyong tagabigay ng suporta o kapamilya o bisitahin ang iyong doktor para sa pagpapayo!
  • Ilang pangkahalatang senyales na kabilang kung ikaw ay maaaring may STD:
    • Di-karaniwang likidong lumalabas sa ari ng lalaki o babae
    • Di-karaniwang kulugo o lintog sa iyong sekswal na organo
    • Pangangati o mainit na pakiramdam sa paligid ng mga sekswal na organo
    • Mainit na pakiramdam o pananakit kapag nagbabanyo
    • Pangangailangang umihi ng madalas sa karaniwan
Slide 12

STDs ay pwede ring magkasintomas sa ibang parte ng katawan.
  • Pwede ka ring magka-STD kung ikaw ay:
    • nakararamdam ng pagod lagi
    • pakiramdam na may trangkaso na hindi nawawala
    • may pantal sa iyong katawan
    • may pagtatae sa mahabang panahon
  • Kung mayroon ka ng anuman sa sintomas na ito, dapat mong sabihin sa isang tao at tawagan ang iyong doktor para sa payo.
  • Pwedeng ang mga sintomas na ito ay nangangahulugang may STD ka o ilang ibang sakit na kailangang malaman ng iyong doktor.
Slide 13

Masasabi ng iyong doktor kung may STD ka.
  • Bago mo bisitahin ang iyong doktor, ikaw at ang iyong tagabigay ng suporta ay pwedeng isulat ang iyong mga sintomas.
    • Makatutulong sa iyong doktor na malaman kung anong klase ng sakit mayroon ka.
    • Kahit na wala kang anumang sintomas, pwede mong hilingin sa iyong doktor na suriin ka para sa STD ng regular lalo kung ikaw ay sekswal na aktibo.
  • Kakausapin ka ng iyong doktor tungkol sa iyong mga sintomas, susuriin ang iyong katawan, at maaaring may gawing iba pang medikal na pagsusuri.
    • Dahil dito malalaman ng iyong doktor kung may STD ka at anong STD ito.
Slide 14

Karamihan sa STDs ay magagamot!
  • Sa oras na malaman ng iyong doktor aling STD mayroon ka, siya ay magbibigay ng reseta ng tamang uri ng gamot.
    • Siguraduhing ipina-alam mo sa iyong doktor anong iba pang mga gamot ang iyong iniinom, para masabi niya anong mga gamot ang ligtas na inumin ng magkakasama.
  • Di maaaring magamot ang ibang STDs, pero makatutulong ang mga gamot na bumuti ang iyong pakiramdam.
    • Di nalulunasan ang HIV, pero makatutulong ang mga gamot para mabuhay ka ng mas mahaba.
    • Di nagagamot ang herpes, pero makatutulong ang mga gamot na mabawasan ang mga sintomas.
Slide 15

May magagawa ka para protektahan ang iyong sarili sa STDs.
  • Ang tanging siguradong paraan na maiwasan ang sexually transmitted na sakit ay ang hindi pakikipag-seks.
  • Gusto mo man o hindi ang makipag-seks ito ay desisyon mo.
  • Kung ikaw ay nag-iisip na makipag-seks sa unang pagkakataon, pwede mong ipaalam ito sa iyong doktor o nars.
    • Hilingin sa iyong doktor o nars na sabihin sa iyo kung paanong manatiling ligtas habang nakikipag-seks.
Slide 16

Kung magpasya kang makipag-seks, may magagawa ka na mabawasan ang iyong tsansa na magkaroon ng STD o makadebelop ng pelvic inflammaroty disease.
  • Gumamit ng kondom tuwing nakikipag-seks.
  • Magkaroon lang ng isang sekswal na kapareha.
  • Bago ka makipag-seks sa isang bagong kapareha, siguraduhing ikaw at ang iyong kapareha ay pumunta sa doktor upang masuri sa STDs.
  • Tandaan - mapoprotektahan ka ng mga gamot na pagpigil sa pag-anak na mabuntis, pero ang mga ito ay di ka mapoprotektahang magkaroon ng STD.
Slide 17

May malalaman ka pang iba tungkol sa STDs at paano protektahan ang sarili mo sa mga sakit na ito!
  • WebMD:
    • http://www.webmd.com/content/article/10/2953_511.htm
    • http://www.webmd.com/hw/chronic_pelvic_pain/hw43368.asp
  • The Riot Self Advocacy Newsletter:
    • http://www.theriotrocks.org
    • http://www.hsri.org/docs/Riot_Issue_8.PDF
  • The Centers for Disease Control:
    • http://www.cdc.gov/std/healthcomm/fact_sheets.htm
  • The National STD Hotline at 1-800-343-2437


Wakas ng Palabas