Makabasa ng maliliit na titikMakita ang mga bagay nang malapitanAng dalawang karamdaman na maaaring makaapekto sa iyong paninging habang ikaw ay nagkaka-edad ay ang glaucoma at ang katarata.Slide 3
Ang Glaucoma ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng medisina.
Ilan sa mga sintoma ng glaucoma ay:
Paningin na malabo o madilim sa mga paligid na sulok ng nakikita ng mga mata
Kawalan ng nakikita mula sa mga sulok ng mata maliban sa mga bagay na nasa iyong harapanPananakit sa mataMatinding sakit ng uloMaaari kang bigyan ng iyong doktor ng medisina upang mapigilan ang paglala ng glaucoma.Diapositiva 4
Ang Katarata ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng mga salamin sa mata o pagsailalim sa isang operasyon.
Ilan sa mga sintoma ng katarata ay:
Nasisilaw ka sa ilaw at pinakikirot nito ang iyong mga mata
Doble-bista o pagkaduling ng isang mataKahirapang makakita sa gabiKapag ikaw ay may katarata, maaaring:
pagsuotin ka ng iyong doktor ng salamin, o
isailalim ito sa isang operasyon.Diapositiva 5
Kapag may problema ku sa paningin, kumunsulta sa iyong doktor.
Kailangan mong kumunsulta sa doktor kung:
Malabo ang iyong paningin sa mga bagay
Nananakit ang iyong mga mataKailangan mong umaninag upang makita ang mga bagayKailangan mong ilayo o ilapit sa iyong mukha ang isang bagay na binabasa.Diapositiva 6
May mga hakbang na maaaring gawin upang mapanatiling malusog ang iyong mha mata.
Habang ikaw ay nagkaka-edad, kailangan mong:
Magpasuri ng iyong mga mata nang hindi bababa sa isang ulit kada dalawang taon
Kumain ng maraming berde, madahong gulay (tulad ng spinach)Ipahinga ang iyong mga mata kung ikaw ay nagtatrabaho gamit ang computer o kung ikaw ay nagbabasaMagsuot ng mga salamin na may UV protectionIhinto ang paninigarilyo, kung ikaw ay naninigarilyoDiapositiva 7
Maaari mong mapanatiling malusog ang iyong mga mata habang ikaw ay nagkaka-edad!
Makipagkonsulta sa iyng doktor tungkol sa iba pang mga paraan upang maproteksyunan ang iyong mga mata.
Kung susundin mo ang payo ng iyong dokrot, mas mapapanatili mong malusog ang iyong mga mata habang ikaw ay nagkaka-edad.
Wakas ng Palabas
Teksto lamang ng palabas
Slide 1
Punto ng Kalusugan: Pagkakaroon ng Edad at ang Iyong mga Mata
Slide 2
Habang ikaw ay nagkaka-edad, maaari mong mapansin ang mga pagbabago sa iyong paningin.